"BETELEHEMU.! BETELEHEMU.!"
Ito ang unang kanta na aking napakinggan sa isang grupo ng mga mang-aawit kung saan akala ko sa una ay normal na lengguahe na nila ito ginagamit. Bago sa aking pandinig, bago sa aking isipan, bagong pangalan na grupo ng mang-aawit ang Himig Sanghaya para sa akin.
Himig Sanghaya... Parang Betelehemu lang na hindi ko maibigay ang kahulugan kung ano ito. Nakakatuwang isipin kung ano ang kahulugan ng dalawang binanggit ko kanina.Naaalala ko pa noong una ko itong makita sa gamit ng aking kaklase na si Michelle noong 1st year high school ako. Isang Excuse Letter kung saan sya ay humihingi ng excuse sa aming mga guro noon.. Nakalimutan ko na kung ano ang nakapaloob doon, sa pagkakaalala ko ay may kakantahan ang kanilang grupo sa labas (mga bandang December ito). Noong una ay medyo parang wala lang sakin sa kadahilanang parte ako ng mang-aawit sa aming mataas na paaralan. Pero di kalaunan, habang ako ay nanonood ng mga CHOIR PERFORMANCES sa Youtube.com, napuntahan ko ang isang video kung saan kasama ang aking kaklase na nakanta sa pagtatanghal na iyon. At ang kanta na una ko ngang narinig at nakita sa kanila ay ang Betelehemu...Para paikliin ang istorya, napahangga talaga ko sa kanilang ginawa. At pinanuod ko na din ang iba pa nilang pagtatanghal. Gaya nga ng nasabi ko kanina, parang wala lang sa akin noong una. Pero noong 4thyear na ako, noong nalaman kong magkakaroon ng kompetisyon sa CCP, sa kanya ko unang tinanong kung sasali ang grupo nila doon kasi ang grupo na sinalihan ko sa simbahan dati ay sasali dun (sa kasamaang palad, hindi kami natuloy na sumali).. Nakalimutan ko na ang iba pang mga pangyayari sa tagal na din...
Yes.! Nakagraduate na din ng High school... Graduate na din ako sa Choir group ng aming paaralan. Kaya alam ko at naisip ko na baka hindi na ako makasali sa mga kompetisyong pang-labas ng pag-awit ng grupo. Bigla kong naalala na COLLEGE na pala ako. Matindi-tindi na din ang mga taong makakasalamuha ko kumpara noong ako ay high school pa lang. Madami nang magagaling, madami nang batikan, madami nang pagdadaanan.

Sa aking pagkakaalam, bawat university ay may mga CHORALE GROUPS na nilalaban sa mga bigating kompetisyon. Alam ko sa sarili ko din na kailangang magseryoso sa pagaaral dahil ito talaga ang mas mahalaga at kinabukasan ko ang nakalaan. Pero kumbaga sa pagkain, kailangan hindi mawawala ang APPETIZER (pampagana)... Inisip kong sumali sa DLSU-D Chorale dahil doon ako nag-aaral. Pero naalala ko bigla ang Himig Sanghaya Chorale noong mga panahon na iyon. Napag-isip kung saan ako pwedeng sumali... May mga bagay na nagcocontrast na din sa aking isipan noong panahon na iyon. Pero naisip ko at tumatak sakin na "Kung nasa paaralan, pag-aaral ang aking aatupagin"...
Nagtext ako sa dati kong kaklase kung pwede ba akong sumali sa kanilang grupo. Sumagot naman siya agad na pwede at tuwing Sabado ng 7pm ang kanilang rehearsals, sabihin ko lang daw kung kailan ako sasali.Unang sabado, Whhooooossshhh.! Malakas ang ulan, malakas din ang hangin. Tila ayaw akong papuntahin noong panahon na iyon na galing ako sa school ko. At naka receive na ako ng text mula kay michelle, POSTPONED ANG REHEARSAL.. Ayon.! Binggo..
October 16, 2009 (Sabado)
Maayos ang panahon, sinabi ko sa kanya na kung pwede noon sumali. At iyon na nga ang una kong pagpunta sa grupo kung saan sa Youtube.com ko lang unang napanood at napakinggan..

Ito ang pinakaunang araw ng aking pagtatanghal kasama sila sa Philam Life.. Noong unang pasok ko pa lang, bumulaga na agad sa akin ang kanilang matitinding piyesa na hanggang ngayon ay hindi ko pa din nakakalimutan..

Panahon ng kapaskuhan, dito ako unang nakalabas kasama sila, hindi ka kumpetisyon kung hindi sa isang recording. Medyo kagulat gulat pa din noon na kakantahin ng Himig Sanghaya, kasama ako ang Christmas Station I.D ng ABS-CBN sa imbitasyon ni Kuya Allen... Na-paralyze ako noong unang pagpasok dahil hindi ko talaga inaasahan ang mga ganitong pangyayari sa akin lalo na't baguhan pa lang ako dito.. ^^,

Himig Sanghaya at UCM sanctuary - December 13, 2009
Para sa akin, ito na ata ang pinaka engrandeng pagtatanghal ko kasama sila sa kadahilanang may mga kasama kaming mabibigat na pangalan sa larangan ng CHORALE SINGING... At sa pagkukumpas ni Sir. Eudenice Palaruan... Hindi ko masabi ng detalyado kung paanong engrande ang pagtatanghal na ito pero ika nga nila TO SEE IS TO BELIEVE...

"Himig Sanghaya - Cutting Classical Concert"
Hindi ko inaasahang magkakaroon ng ganito. Dahil sakin, ngayon pa lang ako makakapag-concert with Himig Sanghaya Chorale.. Dati pinapanuod ko sila, ngayon kasama na ako sa kanilang mga pagtatanghal.. Whhooohh, hindi ko din sukat akalain na may mga makakasama akong mga taong mas magagaling at mas bihasa pa sa akin pagdating sa ganito. Naging "Rocky Road" ang mga paghahanda at kailangan talagang magkaroon ng Time management.. Sa huli, masaya ang kinalabasan at ito ay hindi ko makakalimutan.

"Glee.! Glee.! Gllllllleeeee.!"
Ahaha, miski ako natutuwa pag naaalala to.. Noong una, hindi ko alam ang palabas na Glee kasi wala pa kaming Cable noon... Sa Himig Sanghaya ko lang iyon nalaman at sobrang fanatic sila nito kaya pinanuod ko na din... Para siyang matured version ng High School Musical pero mas maganda ng lubos...
Nagkaroon ng kumpetisyon na tinatawag lahat ng Gleeks para sa GREAT GLEE SING-OFF competition... Ayon, sumali kaming mga Himig Kids (ahaha...) sa pangunguna nila Kuya Allen, Kuya Larry at Ate Katz... Mayroong mga solo parts at hindi ko akalain na pipiliin nila ako para kumanta ng mag-isa... Napag isip isip ko na alam ko sa sarili ko na hindi ako ganoon kagaling kumanta kumpara sa kanila, pero ginawa ko itong hamon para na din sa grupo...
Masaya ang mga ensayo, pagaaral ng mga piyesa at higit sa lahat, ang pagaaral ng koreo..
Umabot din sa puntong nakapasok ang Himig Sanghaya sa Finals ng nasabing kompetisyon na magaganap sa June 8 / Mall of Asia - Center Stage... Pero sa pagkakataon na ito, hindi ako makakasama sa dahilang nagkaroon ng malaking problema...
Talagang nanghihinayang ako sapagkat parang ito na sana ung magiging biggest BREAK ko.. Pero OPTIMISTIC person kasi ako kaya inisip ko na hindi pa siguro ngayon... May iba pang nakalaan sa akin higit pa dito...
Haizt.! Parang ambilis lang ng mga pangyayari... Parang last year lang, bagong sali ako sa Himig Sanghaya.. Pero ngayon, kailangan munang huminto dahil sa mabigat na rason...
Ako ay nagpapasalamat ng lubos sa mga nakasama ko ng maikling panahon..
-Kay Michelle kasi sa kanya ko unang nalaman at sinamahan niya ko pumunta..
-Kay Kuya Larry, naku panigurado isyu na naman to.. Ahaha, parang ka age ko lang to at super makulit.. haha.. Pero sa lahat, IDOL ko talaga to.. Including PARANE SISTERS (Ate Lynne and Ate Janice).. Sa iba pang mga Himig members, Salute2.! haha
-At syempre higit sa lahat, kay ATE KATZ... 1st impression (naku patay ako dito haha), terror talaga lalo na sa rehearsals, pero pag nasa Jakuzzi na ni Kuya Kitz tuwing pagkatapos ng ensayo, ayun na.! Parang kasing edad ko lang sa kulit at tawa. Lalo na pag kasama si Kuya Allen..
Hahaha, ayos talaga... Masaya ako na naging parte ng isa sa mga magagaling na CHOIR dito sa Pilipinas kahit sa saglit na panahon lamang... Madami akong natutunan, hindi lang sa pag awit kundi sa pakikitungo din sa ibang mga tao...
Balang araw, makakasama ulit ako sa grupong ito na pinanuod ko dati at hinahangaan mula noon, hanggang ngayon..

Himig Saya, Himig Ligaya, HIMIG SANGHAYA..!
ngaun ko lang to nabasa ah.
ReplyDeletewell, hopefully mkabalik ka uli monchit, you've got great potential and work ethic, you are and will be a valuable piece in this group. You can always come back when you want to.
Take care!
eto pangreminisce hehe..
http://www.youtube.com/watch?v=6Fj3agfISQg