Friday, February 19, 2010

Unang Pagsabak sa Blogger's World

"HUWAG MANGGAYA"

Blogger... malamang tawag ito sa taong naglalagay kung ano-ano sa kanyang Blog site..

Ito ang kauna-unahang blog ko sa tanan ng buhay ko.. Ika nga nila eh BAGUHAN pa lang, FRESH at INOSENTE pa sa ganitong bagay..

Naisipan kong mag blog sa kadahilanang:
1. Wala ako masyado ginagawa ngayong mga nakalipas na araw.
2. Nakakasawa na din na puro facebook at magtinda sa CAFE WORLD ang gawin.
3. Wala na din akong pangload na pang text sa mga textmates and other matters.
4. Paulit-ulit na lang ang mga palabas sa tv (fiction man o hindi, paulit ulit lang ang motive)
5. At ang panghuli ay sa kadahilanang, na-inspired ako sa mga libro ni PARENG BOB ONG.. haha..

Nakakatuwang isipin na ngayon lang din ako makakapag kwento sa buong mundo kung ano anong bagay ang mga nangyayari sa akin sa araw-araw. Kadalasan kasi, ito ay ikinukwento ko sa mga kaibigan ko.

Alam kong madami nang naglipanang mga BLOGS na gawa ng ibang tao, kaya hindi maiiwasan na maikumpara ito sa aking ginagawa. Halos parehas ang tema at parehas din ang pagkakasulat
(Take note: lahat ng mailalagay ko dito ay hindi copy-paste. Pawang katotohanan lamang na nangyayari sa aking buhay.)

Hindi ko pa masyado gamay ang pagsusulat sa blog, kaya siguro nakakaantok ang una kong likha
(nabasa mo naman yata sa itaas: Unang Pagsabak sa Blogger's World)

Umpisahan na ang pagsulat sa blog.. wii.! haha ^^,